๐ฃ๐๐๐จ ๐๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฒ๐ป๐ผ๐๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ก๐ฎ๐ด๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฑ๐ถ๐ฝ๐ฒ๐ป
By: Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office | Photos By: PDRRMO and PHO | Date: September 2, 2022
Sa pagpapatuloy ng pinasinayaang Disaster Resilience Caravan noong nakaarang Buwan ng Hulyo, malugod na pinaunlakan ng Pamahalaang Bayan ng Sudipen, La Union, sa pamumuno ni Mayor Wendy Joy Buquing, ang paglunsad ng nasabing Caravan sa kanilang bayan noong ika-2 ng Setyembre, 2022.
Ito ay sa pangagasiwa at inisiyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, sa pamumuno ni Gov. Rafy Ortega-David. Isinawaga ang aktibidad sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Provincial Health Office. Katuwang din ang Ilocos Training and Regional Medical Center at ang Center for Health and Development Region 1.
Tinatayang nasa 50 na katao na pawang mga kabilang sa Indigenous Cultural Communities ang nakilahok. Kabilang sa nasabing aktibidad ay ang pagpapalawig ng kaalaman patungkol sa paghahanda sa mga sakuna (Disaster Awareness), pagbibigay ng mga pagsasanay tungkol sa First Aid and Hands-only CPR, gayun din ang pagbibigay ng mga First Aid kits sa mga miyembro ng Indigenous People. Dumalo din sa nasabing aktibidad ang Chairperson on Committee on Disaster Preparedness and Management Relief Services na si Board Member Gerard Ostrea.
Ang Disaster Resilience Caravan for Indigenous Cultural Communities ay naglalayong maibsan ang epekto ng mga bantang panganib sa mga lugar na kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas, sa siya ding tahanan ng ating mga indigenous cultural communities. Bahagi din ng nasabing programa ang pangangalaga sa mga natatanging yamang kultura ng probinsya.
Related Photos:
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …