π£ππ‘π¨πππππ‘π π’π₯πππ‘ππ‘π¦π ππ’π‘π§π₯π π¦π£πππππ§π§π πͺππ₯ππ¦, ππ¦ππ‘π¨π¦π¨ππ’π‘π
By: Jiroh Joy D. Marbella, GPC-SP | Photos By: Sangguniang Panlalawigan | Date: August 2022
Inihain ni Sangguniang Panlalawigan Member (SPM) Maria Annabelle S. de Guzman ang isang panukalang ordinansa na minamandato ang mga kompanya ng mga public utilities kagaya ng telekomunikasyon, internet, elektrisidad at iba pang mga parehong establisyemento sa probinsya na gawing βundergroundβ o nakatago sa ilalim ng lupa ang kanilang mga kawad.
Sa Draft Provincial Ordinance No. 405-2022, ipinanukala ni SPM de Guzman na ang underground cabling system ay mas magiging pangmatagalan, mas ligtas, mas maaliwalas at malinis tingnan kumpara sa mga kawad na karaniwan nang nakikitang buhol-buhol or βspaghetti cablesβ lalo na sa mga urbanisadong lugar.
βIt is necessary to protect residents from the hazardous effects of overhead lines in the event of earthquakes, heavy rain or thunderstormsβ, nakasaad sa explanatory note ng panukala.
Gayunpaman, ang mga kasalukuyang mga kawad na may taas na labing-pitong talampakan para sa mga provincial, municipal/city roads at mga kawad na may taas na dalawampuβt-anim na talampakan ay pinahihintulutan basta ang mga ito ay maayos at hindi buhol-buhol. Nakasaad din na para sa mga kawad na tumatawid sa gitna ng kalsada ay mayroon dapat minimum na 100 meters na distansya.
Ayon din sa panukalang batas, ang mga engineering offices ay magiging responsable sa pag-inspeksyon at pagtiyak na tumutupad ang mga underground cabling systems sa mga safety standards and regulations. Sino man ang lalabag dito ay magmumulta ng β±5,000 kada araw.
Dagdag pa ni SPM de Guzman, nakatuon ang panukala para sa mga bagong konstruksyon ng cabling systems at ito ay paraan ng paghahanda mula sa panganib na dala ng lindol, bagyo at iba pang uri ng sakuna. Naniniwala siya na ito ay dagdag hakbang upang matamasa ang P.U.S.O. Agenda at pagpapakita ng isang tunay na #LaUnionProbinsyanihan.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporβs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceβs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …