๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป

By: Christine Paulette Navarro, GPC-PDRRMO | Photos By: PDRRMO | Date: October 2022


Bagamat walang naitaas na Tropical Cyclone Wind Signal sa La Union kaugnay ng Tropical Depression #MaymayPH at Severe Tropical Strom #NenengPH sa mga nakalipas na araw, nanatiling handa ang Probinsya ng La Union kasunod ng direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David upang mapanatili ang kahandaan ng mga #AlertoKaprobinsiaan.

Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang mga Local DRRM Council Member Agencies, masigasig na nabantayan ang mga Areas of Responsibility laban sa anumang bantang panganib na kaakibat ng panaka-nakang pag-ulan na naranasan sa mga nagdaang araw.

Kabilang sa mga paghahandang isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment sa mga lahat ng Local Government Units; pagmonitor sa mga coastal areas at river systems; pagmonitor sa mga high risk areas; gayun din ang paghahanda para sa pre-emptive evacuation.

Naging full alert din ang PDRRMO 911 Public Safety Answering Point at tuloy tuloy na nakipag-ugnayan sa Regional DRRM Council para sa anumang pangangailangan ng responde.

Related Photos:

Recent Posts