๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ-๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€

By: Paulette Navarro, GPC-PDRRMO | Photos By: PDRRMO | Date: July 22, 2022


Matagumpay na nagtapos ang 36 na bagong rescuers ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong July 22, 2022 na ginanap sa PDRRMO Emergency Operations Center, Sevilla, City of San Fernando, La Union mula sa kanilang dalawang linggong pagsasanay upang maging isang ganap na taga-sagip sa panahon ng sakuna sa probinsya.

Ang mga nagsanay ay sumabak sa Basic Water Rescue (BAWAR) Training na ginanap noong July 18-22, 2022 sa katubigan ng Syudad ng San Fernando, La Union, na kung saan mas lalong nilinang ang kanilang kahutukan sa katubigan sa pamamagitan ng mga lagiang Physical Training Exercises at ang paglangoy ng isang milya mula sa laot pabalik ng pangpang (One mile swim). Sila din ay tinuruan ng mga tamang techniques sa pagsaggip (lifesaving approaches) kapag may emergency sa karagatan.

Sumailalim din sila sa Ambulance Operations Training noong July 11-15, 2022, dito naman ay tinuruan sila ng mga kasanayang medical sa pre-hospital setting, gayun din ang mga alituntunin ng isang Ambulance Operator.

Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa Emergency Responder's Orientation Course ng nasabing tanggapan na siyang kinakailangang ipasa ng isang bagong PDRRMO Responder bago siya sumabak sa mga actual na responde. Kinakailangan ang mga ganitong pagsasanay upang mas maging angkop at epektibo ang pagtugon sa mga agarang pangagailangan, lalo sa may mga malulubhang situasyon, at upang maiwasan din ang mga kapahamakan o kamatayan na maaring kaharapin ng isang tagasagip.

โ€œSobrang hirap ng training. Hindi lamang pisikal kundi pati mental endurance namin pinalakas. Alam naming mga buhay ng Kaprobinsiaan ang nakasalalay kaya kailangan maalala at matutunan namin lahat ng itinuro sa amin ng magagaling na members ng Training Team ng PDRRMO,โ€ salaysay ni Cavin Klein Calapati, isa sa mga bagong rescuers.

Ang mga karagdagang rescuers ng probinsya ay makakatulong upang mapagtibay ang kahandaan ng mga tagasagip-buhay ng nagbibigay ng agarang tulong sa ibaโ€™t ibang munisipalidad at siyudad ng La Union.

Recent Posts