TULOY-TULOY NA PAGBABAKUNA SA MGA KAPROBINSIAAN MAS PINAIGTING; DALAWA PANG MEGA VACC SITE SA LA UNION, INILUNSAD
By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: Jefferson Lorenzo at Sonny Buenaventura, PIO | Date: June 23, 2021
Upang tuloy-tuloy at mas mabilis ang pagbabakuna ng mga indibidwal na kabilang sa A1 (mga frontliners) A2 (Senior Citizens) at A3 (mga may co-morbidities) priority groups, pormal na inilunsad ang dalawa (2) pang mega vaccination sites sa Probinsya ng La Union, ngayong araw na matatagpuan sa La Union Medical Center (LUMC) at Bacnotan District Hospital. (BCDH)
Sa kasalukuyan, mayroon ng tatlong (3) mega vaccination sites sa probinsiya. Bawat vaccination site ay may nakatalagang maayos na vaccine stations upang mas mapadali ang proseso ng pagbabakuna ng mga kaprobinsiaan. Higit pa riyan, mayroon ring maayos na ventilation sa loob ng nasabing mga pasilidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan lalong-lalo na ang mga senior citizens at ang may mga comorbidities. Handa naman ang Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO) katuwang ang Provincial Health Office (PHO) sa pagtatalaga ng kanilang emergency vehicles. Mas pinaigting rin ng Provincial Government Strategic Communications Team ang pamamahagi ng communication materials ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna.
Bawat mega vaccination site sa lalawigan ay mayroong catchment areas. Ang Mega Vaccination Site na matatagpuan sa Fr. Burgos Gym, Saint Louis College, City of San Fernando, La Union ay may kakayahang bakunahan ang mga prayoridad na indibidwal mula sa City of San Fernando at mga bayan ng Bauang, Naguilian, Bagulin at Burgos.
Maaari namang mabakunahan sa La Union Medical Center, Agoo, La Union ang mga A1, A2, at A3 priority groups mula sa mga karatig bayan sa timog na bahagi ng probinsya.
Ang mga residente naman mula sa San Juan at lahat ng LGUs sa hilagang La Union, na kabilang sa priority groups, ay maaring mabakunahan sa Bacnotan District Hospital.
Katuwang ng PGLU sa #BakunaMuna Vaccination Program ang mga Local Government Units (LGUs), Department of Health (DOH) at iba pang pribadong sektor.
Recent Posts
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …