RDH, LUMC nagsagawa ng Mobile Blood Donation Drive

By: Maria Geraldine De Guzman, GPC-RDH | Photos By: GPC-RDH | Date: July 8, 2022


Ipinakita ng Rosario District Hospital at La Union Medical Center ang kahalagahan ng #PROBINSYAnihan sa isinagawang Mobile Blood Donation Drive na ginananp noong Ika-8 ng Hulyo, 2022 sa Old Emergency Room ng Rosario District Hospital.

Ang nasabing blood donation drive na pinamagatang "Dugong Alay, Sagip Buhay" ay naglalayong makakulekta ng mga dugo na makatutulong upang madugtungan ang buhay ng sinomang kaprobinsaang nangangailanagn ng nito.

Nakapagtala ang ospital ng 24 "Modern Heros", sa katauhan ng mga donors. Sampu rito ay type "O", tatlo ang type "A", pito ang type "B" at apat ang may tinatawag na dugong bughaw o type "AB".

Ang mga dugong nakolekta ay pakikinabangan ng mga pasyengteng mula sa bayan ng Rosario at karatig-bayan.

Recent Posts