Puno ang kailangan!



Puno ang kailangan! 🌳🌱
Gulo ng panahon no? Umaaraw tapos biglang bubuhos ang ulan.🌦 Ano pa man ang maging panahon, pagtatanim ng puno pa rin ang isa sa pinakamabisang solusyon. Malaki ang tulong ng mga puno sa pagpapababa ng temperatura at paglilinis ng hangin dahil sa natural na proseso ng photosynthesis. πŸƒ
Nakatutulong din ang mga puno sa pag-iwas ng pagbaha tuwing tag-ulan sa pamamagitan ng pag-absorb ng tubig at pagpapatibay ng lupa gamit ang mga ugat ng puno.🌧 Ang lilim ng mga puno ay pwedeng pwede rin maging silong tirik man ang araw o pumatak ang ulan. 🌳
Ito po ang inyong paalala na (1) pangalagaan ang ating mga puno, maliit man o malaki. (2) Maglaan ng panahon para magtanim ng seedlings at (3) i-report kung mayroong mga illegal logging o pagpuputol ng puno sa inyong lugar. ✨
KaPROBINSYAnihan, nagsisilbing paalala sa atin ito na nagbabago na talaga ang panahon. Gawin natin ang parte para sa #KalikasanNaman! πŸ’œ

Recent Posts