𝗣𝗑𝗣 π—žπ—”π—§π—¨π—ͺπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—£π—šπ—Ÿπ—¨ 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 π—£π—œπ—‘π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—§π—¨π—£π—”π—— π—‘π—š π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› 𝗣π—₯π—’π—§π—’π—–π—’π—ŸS 𝗦𝗔 π—šπ—œπ—§π—‘π—” π—‘π—š π—¨π— π—œπ—œπ—₯π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π— π—˜π—–π—€ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—™π—˜π—₯𝗑𝗔𝗑𝗗𝗒 𝗔𝗧 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘

By: Shairalene Guerrero, PIO | Photos By: Shairalene Guerrero, PIO | Date: October, 2021


Alinsunod sa kahilingan ni Gov Francisco Emmanuel β€œPacoy” Ortega III, iniutos ni La Union Police Provincial Director PCOL Jonathan Calixto ang deployment ng karagdagang personnel simula ngayong araw, ika-1 ng Oktubre, 2021sa ibat-ibang bayan. Ito ay upang makatulong ang pulisya sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad ng mga checkpoints lalo na sa Lungsod ng San Fernando at mga bayan ng Agoo, Balaoan, Bauang at Sudipen, La Union na nagpapatupad ngayon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang pagtalaga ng karagdagang police visibility sa mga naturang LGUs ay hiniling ni Gov. Pacoy matapos matalakay ito noong pinulong niya ang mga Mayors kasama ang Provincial Core Team Against CoViD-19, at bago pinirmahan ang Executive Order No. 47 series of 2021.

Gayundin, mas paiigtingin ang pagpapatupad ng public health protocol sa probinsya upang mapigilan ang pagkalat ng CoViD-19. Sisiguraduhin din ng pulisya ang pagpapatupad ng curfew hours mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga sa mga lugar na nasa MECQ.

Ayon pa kay PCOL Calixto, ang LUPPO ay laging nakahanda upang tumulong sa PGLU at iba’t-ibang mga bayan sa implementasyon ng naturang Executive Order. Ang mga bayan naman ng Aringay, Bacnotan, Bagulin, Burgos, Caba, Luna, San Juan at Santo Tomas ay nasa GCQ. At ang mga natitirang LGU ay mananatili sa MGCQ.

Samantala, mas paiigtingin ng Provincial Government of La Union ang #DisiplinaKoma Campaign na naglalayong hikayatin ang bawat mamamayan na makiiisa sa pagsugpo ng CoViD-19. Ang disiplinadong Kaprobinsiaan sa panahon ng pandemya ay malaking bahagi sa pagpigil ng pagkalat ng sakit sa La Union.

Hinihiling naman ni Gov Pacoy Ortega sa mga Kaprobinsiaan na patuloy na makipagtulungan sa pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit sa pamamagitan ng pagtalima sa mga protocols kahit anong community quarantine man ang umiiral sa kanilang bayan. Aniya, ang bawat mamamayan ay may malaking parte sa patuloy na paglaban sa sakit. Ang pagprotekta sa kanilang mga sarili, pamilya, at komunidad ay malaking bagay.

Muli ding pinasalamatan ng Gobernador ang mga opisyal ng barangay at munisipyo/lungsod na walang-pagod na nagbabantay sa kanilang mga lugar kaagapay ang mga myembro ng PNP.

Recent Posts