PGLU, LGUs Magkaagapay Kontra CoViD-19
By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: PDRRMO & PHO | Date: April 1, 2021
Maagap na tumugon ang Provincial Government of La Union (PGLU) sa mga agarang pangangailangan ng mga component local government units (LGU) sa kanilang patuloy na pagpapababa ang kaso ng CoViD-19 sa kani-kanilang nasasakupan. Simula kahapon, Abril 1, 2021, namigay ang PGLU ng mga PPEs at medical supplies.
Kasama sa mga ipinamahagi ng PGLU ay mga kagamitan sa isolation facilities kasama ang 20 modular tents at 60 cot beds para sa high risk areas sa unang distrito ng La Union. Karagdagan dito ay ang medical supplies kasama ang 100 na surgical face masks, 50 na KN95 masks, 10 na coverall, 10 na head cover, 100 na shoe cover, 10 na isolation gown, 10 na face shield, 100 na gowns para sa mga munisipyo sa nasabing distrito.
Ito ay ang pakikipagpulong sa kanila ni Assistant Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Alvin Cruz, nitong Marso 31, 2021, at nalaman ng PGLU ang kanilang agarang pangangailangan.
Patuloy parin ang maagap na pakikipanayam ng PGLU sa mga component LGUs upang malaman ang mga pangangailangan ng mga ito para malabanan ang pandemya.
Mas malakas ang ating laban kung ang lahat ay makikiisa. Hinihikayat parin ang lahat na manatili sa loob
ng tahanan at sumunod sa minimum health standards. Makakaya nating bumangon mula sa lahat ng pagsubok kung tayo ay mananatiling nagkakaisa at nagtutulungan.
Recent Posts
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …