PGLU, LGU Caba Nag-La Union PROBINSYAnihan para sa Clearing Operations

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: July 24, 2024


Sa kabila ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyong Carina, patuloy pa rin ang pakikipag La Union PROBINSYAnihan ng Provincial Government of La Union, sa direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, sa mga mamamayan ng bayang apektado ng bagyo, kabilang na ang bayan ng Caba.

Mabilis na nagsagawa ng clearing operation ang Provincial Engineering Office, ang Municipal Government ng Caba, at ang mga volunteer responders sa iba’t-ibang barangay nito.

Dahil isa nang super typhoon si Bagyong Carina, pinapayuhan ang lahat na manatiling #AlertoKAPROBINSYAnihan at ireport sa emergency hotline 911 ang anumang emergency.

Related Photos: