𝗣𝗗π—₯π—₯𝗠𝗒 π—‘π—”π—žπ—”-π—₯π—˜π—— π—”π—Ÿπ—˜π—₯𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—¦π—˜π—©π—˜π—₯π—˜ 𝗧π—₯π—’π—£π—œπ—–π—”π—Ÿ 𝗦𝗧𝗒π—₯𝗠 #𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—šπ—£π—›

By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: Camille Bumatay (PIO), Gabriel Mendoza (LUPTO) & PDRRMO | Date: October 11, 2021


Nakikipagtulungan ang Provincial Disaster Risk and Reduction and Management Office (PDRRMO) sa iba’t-ibang ahensya mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine Coastguard at 1st La Union Mobile Force Company upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Kaprobinsiaan sa gitna ng banta ng Severe Tropical Storm #MaringPH.

Nagsagawa naman ng pagpupulong ang mga kawani ng PDRRMO kasama ang Philippine National Police ngayong araw ika-11 ng Oktubre, 2021 para sa pagresponde sa pananalasa ng nasabing bagyo.

25 na mga kawani mula sa PDRRMO ang kasalukuyang naka-deploy sa mga bayan ng Bangar, Luna, San Juan, San Gabriel, Bacnotan. Naka-activate na rin ang Incident Management Team (IMTs) ng bawat LGUs ng probinsya upang magbigay ng karagdagang tulong sa pagresponde at paglikas ng mga residente na lubos na apektado ng bagyo.

Para sa pagtugon ng mga emergency cases, nakahanda rin ang mga rescue vehicles, clearing equipments at ambulansya ng PGLU. Gayundin, naka-stand by ang dump truck na maaaring gamitin sa pag pick-up sa mga indibidwal na stranded sa daan.

Samantala, pinangunahan naman ni Gary N. Pinzon, Sangguniang Panlalawigan Committe Chair on Disaster Preparedness and Management and Relief Services ang paglikas sa mga residente na lubos na apektado ng bagyo at pagsasagawa ng rescue at clearing operations.

Inalerto naman ang mga Kaprobinsiaan lalong-lalo na ang mga residenteng naninirahan sa tabing-ilog, dagat, at tabing bundok sa posibilidad na landslide, storm surge at pagbaha.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa probinsya ng La Union.

Manatiling maging #AlertoKaprobinsiaan. Kung kailangan ng tulong, tumawag sa La Union Rescue 911 o sa La Union rescue mobile 0998-961-1519/ (072) 607-8723/911.

Recent Posts