Weather Update Tropical Storm #KristinePH as of October 25, 2024, 11:00AM

๐Ÿ“ฃ Weather Update on Tropical Storm #KristinePH as of October 25, 2024, 11:00 AM
Naibaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong La Union. Ang sentro ng bagyong #KristinePH ay nasa 125km west northwest ng Bacnotan, La Union kaya tayo po ay nakakaranas ng mas malalakas na ulan at hangin. Ang bagyo ay kasalukuyang kumikilos pa-west northwest sa bilis na 15km/h.
May naka taas ding storm surge advisory sa dalampasigan ng La Union kaya pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa dagat na lumikas muna para sa inyong kaligtasan. Ang PGLU po ay naka full emergency alert upang magbigay ng tulong sa mga kaPROBINSYAnihan natin apektado ng bagyo.
Tumawag sa emergency hotline 911 o La Union Rescue mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency.
#AlertoKaPROBINSYAnihan

Mag-ingat mula sa STORM SURGE, KaPROBINSYAnihan

๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—  ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—š๐—˜, ๐—ž๐—ฎ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŒŠ
Ang daluyon ng bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.
Upang maging #AlertoKaPROBINSYAnihan ngayong Bagyong #KristinePH, basahin ang mga sumusunod na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng storm surge.
Nananatili pong bukas ang ating mga evacuation center kung kinakailangan lumikas. Tumawag lamang sa La Union Emergency Hotline 911 o La Union Rescue Mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency.

#Walang Pasok: October 25, 2024

#๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ: ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ
Dahil nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 3 ang La Union dulot ng Bagyong #KristinePH, suspendido pa rin po ang klase sa ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป sa mga pampubliko at pribadong paaralan, at ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ sa ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ, bukas, ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, sa bisa ng Executive Order No. 57, series of 2024.
Ang suspensyon ng trabaho sa pribadong sektor ay nasa diskresyon na ng Company Management. Samantala, ang mga emergency at frontline offices sa probinsya ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang magbigay serbisyo.
Nakabukas lamang ang linya ng La Union Emergency Hotline 911 o La Union Rescue Mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency. Tayo ay manatili pa ring #AlertoKaPROBINSYAnihan at nakikipag-La Union PROBINSYAnihan ngayong panahon ng bagyo.

Weather Update #KristinePH as of October 24, 2024 5:00PM

๐Ÿ“ฃ๐—ช๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—จ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—บ #KristinePH ๐—ฎ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
Ayon sa DOST-PAGASA, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa La Union. Nakalagpas na ang Bagyong #KristinePH sa Ilocos Sur habang dahan-dahan itong gumagalaw pa-kanluran. Sa kasalukuyan ay nakakaramdam pa rin ang probinsya ng malakas na hangin na may kasamang ulan.
Para sa anumang emergency na kailangan ng agarang aksyon, huwag mag-atubiling tumawag sa emergency hotline 911 o La Union Rescue mobile 0998-961-1519. Manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan.

Weather Update #KristinePH as of October 24, 2024 11:00AM

๐Ÿ“ฃWeather Update on Tropical Storm #KristinePH as of October 24, 2024, 11:00 AM
Ang buong La Union ay nananatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 at nakakaranas na rin po tayo ng mas malakas na pagbuhos ng ulan.
Ang sentro ng bagyong #KristinePH ay kasalukuyang nasa bahagi na ng Bauko, Mt. Province at kumikilos pa-West Southwest sa bilis na 20km/h.
I-ready ang mga Emergency Go-Bag, mag charge ng mga cellphone, at patuloy na maki balita tungkol sa bagyo.
#AlertoKAPROBINSYAnihan

Weather Update #KristinePH as of October 24, 2024 5:00AM

๐Ÿ“ฃWeather Update on Tropical Storm #KristinePH as of October 24, 2024, 5:00 AM
Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa buong La Union. Bahagya ring bumagal ang Bagyong #KristinePH habang kumikilos pa-northwestward sa Northern Luzon. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa vicinity ng Tumauini, Isabela.
Kasalukuyang nakakaranas ang ating probinsya ng malakas na ihip ng hangin na may kasamang pag-ulan kaya pinapayuhan ang lahat na manatiling naka #AlertoKaPROBINSYAnihan.
24/7 na naka alert ang ating emergency hotline 911 o La Union Rescue mobile 0998-961-1519 para sa anumang emergency.

Don’t forget our animal friends, KaPROBINSYAnihan

Leave no animals behind! ๐Ÿƒ๐Ÿ–๐Ÿ
As we prepare our household for the anticipated hit of #KristinePH, please be reminded to also secure your pets. They are also counting on you, KaPROBINSYAnihan. ๐Ÿ’œ
Letโ€™s extend our La Union PROBINSYAnihan to all our fur friends and we encourage everyone to help our stray animals as well. ๐Ÿซฐ
Stay safe, KaPROBINSYAnihan!๐Ÿ’œ