π£ππππππππ¨π‘π π¦π π ππ π’ππͺπ, π£ππ§π¨ππ’π¬ π‘π ππ¦ππ‘ππ¦ππππͺπ π¦π π£π₯π’πππ‘π¦π¬π
By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: PIO | Date: July 29, 2021
Dahil sa pagtutulungan ng Provincial Government of La Union (PGLU) at ng private sector partners, patuloy na nabibigyang prayoridad ang mga outbound Overseas Filipino Workers (OFWs) na mabigyan ng naayon na CoViD-19 Vaccine brand, dahil ito ang isa sa mga specific requirement ng kanilang mga employer sa labas ng bansa.
Kahapon lamang, ika-28 ng Hulyo, 2021, nag-umpisa na ang 2nd batch ng pagbabakuna sa mga outbound OFWs sa Lorma Medical Center, City of San Fernando, La Union. Ayon sa IATF-EID Resolution No. 117, ang mga outbound OFWs na mayroon nang iskedyul ng deployment sa loob ng susunod na apat na buwan, ay pinapayagan nang mabakunahan.
Sa kasalukuyan, 42 outbound OFWs na ang nabakunahan ng PGLU sa Lorma Vaccination Site.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng PGLU sa mga pribadong sektor, mas napapabilis ang pag-roll out ng mga bakuna sa probinsya at nabibigyan ng pag-asa ang mga OFWs na makabalik sa bansang kanilang pinagtra-trabahuan.
As of 10AM, July 29, 2021 121,111 na ang nabakunahan sa probinsya ng La Union. 85,578 ang nakatanggap na ng kanilang first dose at 46,932 na ang nakakumpleto ng kanilang bakuna laban sa CoViD-19.
Hangarin ni Gov. Pacoy Ortega na mabigyang proteksyon ang bawat Kaprobinsiaan laban sa CoViD-19.
Naniniwala ang PGLU na muli tayong babangon bilang isang mas matatag na probinsya, kapag #BakunaMuna.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporβs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceβs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica βRafyβ Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …