Pag binato ka ng malunggay, edi lutuan mo ng dinengdeng!


"Pag binato ka ng malunggay, edi lutuan mo ng dinengdeng!" 🍲
"Anya man ngata ti naimas nga isagpaw ti marunggay?"🤔 Madalas na linyahan ni nanay pagdating ng lutuan ng ulam tuwing tanghalian o hapunan. Ang tatak #LUcal na putaheng ito ay ipinagdiriwang sa bayan ng Agoo tuwing buwan ng Mayo para ibida ang mayamang kultura na sinasalamin ng putaheng ito. 🍽
Alam niyo rin ba na ang malunggay ang ating opisyal na provincial vegetable kaya lagi talagang bida ang malunggay sa mga dinengdeng at iba't-ibang dish ng La Union. Bukod sa masustansya na, masarap pa! 😍
Anong paborito mong luto na gamit ang malunggay, KaPROBINSYAnihan? Laging aangat ang mayamang kultura ng La Union kaya ipagpatuloy nating ibida ang mga tatak #LUcal na produkto ng ating probinsya! 💜

Recent Posts