OPERASYON NG MGA VAN TRANSPORT, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN SA LA UNION
By: Justin Paul D. Marbella, PIO | Photo By: Wendell Tangalin, PIO
OPERASYON NG MGA VAN TRANSPORT, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN SA LA UNION
Mahigpit na binabantayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang pag-operate ng mga van transport na namamasada at naghahatid ng mga Locally-Stranded Individuals (LSIs) papasok ng probinsya.
Sa bisa ng Executive Order No. 19-C na nilagdaan ni Gov. Pacoy noong unang araw ng Agosto 2020, inilahad na ang mas mahigpit na patakaran para sa mga van transport na ito.
Sa nasabing direktiba, kailangan nang magpakita ng mga driver ng mga van ng permit mula sa LTRFB na nagpapatunay na sila ay may kaukulang pangkrisa upang mag-operate sa panahon ng pandemya.
Para sa mga driver na hindi residente ng La Union, iiwan nila ang kanilang driver’s license sa mga pulis na nakatalaga sa border checkpoint, na makukuha nila sa kanilang paglabas muli ng probinya pagkatapos ihatid ang kanilang mga pasahero.
Required din ang mga driver na ito na magpakita ng resulta ng kanilang RT-PCR test, na nagpapatunay na sila ay negatibo sa sakit.
Sa mga LSI naman na lulan ng mga van transport na ito, sila ay susuriin isa-isa sa mga border checkpoints at kailangan nilang ipakita ang mga sumusunod na documentary requirements: duly-accomplished La Union Health Declaration Form; ID na nagpapatunay na sila ay residente ng LU; Travel Authority mula sa PNP na kanilang pinaggalingang lugar; Health Certificate mula sa local health unit ng kanilang pinanggalingang lugar na nakuha sa di lalagpas ng tatlong araw sa kanilang byahe; at RT-PCR test result na nagpapatunay na negatibo sila sa COVID-19.
Ang mga LSIs ay sasailalim din muli sa 14-day self-quarantine sa kani-kanilang mga tahanan. Sila ay imomonitor ng BHERT ng kanilang barangay.
Sa datos ng PGLU, mayroon nang 478 LSIs na na-assist sa kanilang paguwi sa probinsya, sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan gaya ng Hatid Tulong Program ng National Government, Awid Kaprobinsiaan ng PGLU, at ng iba pang serbisyo ng mga LGUs.
Umaapela naman ang PGLU sa mga LSIs na umuuwi lulan ng pribadong sasakyan na ipagbigay-alam ang kanilang pagdating para sa wastong impormasyon at monitoring ng lokal na pamahalan.
Hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga border protocols na ito para sa pagtatatag ng Stronger La Union.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocapor’s Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the province’s hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …