Mga Kawani ng PGLU, KaPROBINSYAnihan Kinilala sa Pagiging Maagap
By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Wendell Tangalin, PIO | Date: May 27, 2024
Bilang pagkilala sa ipinamalas ng tatlong empleyado ng Provincial Government of La Union (PGLU) na pakikipag-La Union PROBINSYAnihan at pagiging maagap, pinarangalan ng Philippine National Police - Police Regional Office 1 sa pangunguna ni Regional Director PBGEN Lou Evangelista sina Warren Casil ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Jandale Ivans Libao at Neil Lirazan ng Office of the Provincial Governor sa Camp BGen Oscar M Florendo, Parian sa Siyudad ng San Fernando, La Union noong Mayo 27, 2024.
Ang mga kawani ay tumulong sa mga first responders na nagresponde sa bumagsak na Cessna 172M aircraft sa katubigan ng Barangay Canaoay, Siyudad ng San Fernando, La Union noong Mayo 21, 2024. Gamit ang kanilang kaalaman at karanasang pangmedikal, kabilang ang mga kinilalang kawani ng PGLU sa rescue operations na isinagawa ng Coast Guard District North Western Luzon, City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), at Provincial DRRMO na nagbigay ng paunang lunas sa dalawang nakaligtas na biktima bago sila dinala sa ospital.
Kasama ng mga kawani ng PGLU na kinilala ng PNP-PRO1 ay ang KaPROBINSYAnihang si Rudy Vilagarcia na isa rin sa mga nauang nagvolunteer upang tumulong sa operasyon.
Ang ipinakitang malasakit at pakikiisa ng mga kaPROBINSYAnihan ay sinasaluduhan ng PGLU at tunay na simbolo ng La Union PROBINSYAnihan.
Related Photos: