Mga Abogado ng PAO, kawani ng COA Region 1 bumisita kay Gov. Rafy

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Sonny Buenaventura, PIO | Date: August 8, 2022


Bumisita ang mga abogado ng Public Attorney's Office (PAO) sa La Union at ilang mga kawani ng Commission on Audit (COA) Region 1 sa tanggapan ni Gov. Rafy sa Kapitolyo noong Agosto 8, 2022 upang batiin at ipahayag ang kani-kanilang suporta sa kanyang pag-upo bilang Gobernador ng Probinsya ng La Union.

Sa kanilang pag-uusap, ipinahayag ng bawat opisina ang kanilang kagustuhang makatulong sa mga kaprobinsiaan sa pamamagitan ng buong-pusong pag gampan sa kani-kanilang mga tungkulin bilang mga public servants at maging sa pag taguyod ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng publiko.

Ang PAO at COA ay nakiki-PROBINSYAnihan para sa mas malakas, mas progresibo at mas magandang La Union para sa lahat.

Related Photos:

Recent Posts