Mabilis na Aksyon Derektiba ni Gov. Rafy sa Sunog sa Barangay I, San Fernando

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Rizalde Buenaventura, PIO | Date: Pebrero 10, 2025


PhSa direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David agarang rumesponde ang mga First Responders ng Provincial Government of La Union upang magbigay tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Barangay I, Siyudad ng San Fernando, La Union ngayong araw, Pebrero 10, 2025 na nakaapekto sa apat na pamilya o 25 na indibidwal.

Agad na nakipag-ugnayan ang PGLU sa City Government of San Fernando para sa mga pangangailangan ng mga nasunugan. Personal na pinuntahan ni Gov. Rafy ang mga nasunugan upang makiisa sa kanila at magbigay ng paunang tulong.

Kabilang sa mga ibinigay sa mga biktima ay mga family kits, food packs, nebulizer, gamot, diaper, gatas ng bata at milk bottles. Nagbigay rin ang PGLU ng paunang shelter repair kits at yero sa mga biktima. Sila ay pansamantalang narelocate sa mga bahay ng kanilang kaanak.

Nakatakda naman ang pagbisita ng Provincial Social Welfare and Development Office sa mga biktima para sa financial aid at shelter assistance at ng Provincial Health Office para sila ay macheck-up at mabigyan ng psychosocial support.

Bilang pagpapakita ng #LaUnionPROBINSYAnihan, nagpaalala si Gov. Rafy na manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan at agad na ireport sa La Union Rescue 911 ang anumang emergency.

Related Photos: