𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻, 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝗿𝘂𝘀: 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗨 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗚𝗟𝗨

By: La Union Provincial Tourism Office | Photos By: La Union Provincial Tourism Office | Date: December 31, 2021


Patuloy ang random inspections ng joint team ng Provincial Government of La Union (PGLU) mula sa La Union Provincial Tourism Office at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office; Philippine National Police (PNP); at Department of Tourism Region 1 sa mga La Union tourism establishments sa kanilang pagsunod sa minimum health standards habang patuloy rin ang maigting na pagbabantay ng border checkpoints sa mga requirements ng pumapasok sa probinsya ngayong araw, Disyembre 31, 2021 kasabay ng paghahanda sa pagsalubong sa #NewYear2022.

Ininspika ang compliance ng mga tourism establishments sa San Juan, La Union na isa sa pinakadinadagsa ng mga turista ngayong holiday seasons. Maliban sa pagpapaalala sa mga dapat sunding minimum health standards ay ipinaalala rin sa kanila ang responsibilidad sa pagberipika ng requirements ng mga customers batay sa PGLU Executive Order No. 55, series of 2021 (bit.ly/PGLU_EO55-2021).

Kasabay ng monitoring ay ang round-the-clock na pagbabantay ng PGLU at PNP sa mga entry borders ng probinsya upang siguruhin na kumpleto ang mga requirements ng mga pumapasok sa probinsya lalo na ngayong pinaghahandan ang bagong taon.

Sa pakikipagtulungan ng PGLU sa iba't ibang ahensya at establisyemento at pagsulong ng #DisiplinaKoma sa mga kaprobinsiaan, mapapanatili natin ang kaligtasan ng bawat isa hindi lang ngayong holiday seasons kundi sa mga susunod pang araw.

Recent Posts