La Union Frontliners Nakatanggap ng Treats

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: PIO | Date: September 26, 2021


Sa gitna ng mahirap na katungkulan ng ating mga frontliners sa kasalukuyang paglaban sa CoViD-19 pandemic, ipinarating natin ang suporta at pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng snack treats sa kanila noong Setyembre 26-27, 2021.

Ang mga nakatanggap ng treats ay mga frontliners sa border checkpoints, CoViD-19 Hospitals, Rural Health Units, at Disaster Risk Reduction and Management Offices. Nasa 204 na kahon ng pizza ang naipaabot natin sa 1,557 na frontliners on duty.

Ang aktibidad ay bahagi ng #FrontlinerHour program ng Provincial Government of La Union kung saan ating ipinapaabot sa mga frontliners ang ating pagpapasalamat at pakikiisa sa kanila sa ating kinakaharap na pandemya.

Bilang pakikiisa, ating patuloy na sundin ang minimum health standards at magpabakuna upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng CoViD-19 sa probinsya tungo sa mas magandang hinaharap.Sa gitna ng mahirap na katungkulan ng ating mga frontliners sa kasalukuyang paglaban sa CoViD-19 pandemic, ipinarating natin ang suporta at pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng snack treats sa kanila noong Setyembre 26-27, 2021.

Ang mga nakatanggap ng treats ay mga frontliners sa border checkpoints, CoViD-19 Hospitals, Rural Health Units, at Disaster Risk Reduction and Management Offices. Nasa 204 na kahon ng pizza ang naipaabot natin sa 1,557 na frontliners on duty.

Ang aktibidad ay bahagi ng #FrontlinerHour program ng Provincial Government of La Union kung saan ating ipinapaabot sa mga frontliners ang ating pagpapasalamat at pakikiisa sa kanila sa ating kinakaharap na pandemya.

Bilang pakikiisa, ating patuloy na sundin ang minimum health standards at magpabakuna upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng CoViD-19 sa probinsya tungo sa mas magandang hinaharap.

Recent Posts