Gov. Rafy namahagi ng laptops, tablets sa halos 20 na mga guro sa iba't ibang pampublikong paaralan sa San Gabriel, La Union
By: John Elysar C. Martin, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: July 20, 2022
Sa patuloy na pagsulong ng dekalidad na edukasyon sa La Union, muling pinangunahan ni Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David ang pamamahagi ng mga laptops at tablets sa halos 20 na mga guro sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Bayan ng San Gabriel, La Union.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga guro kay Gov. Rafy kasabay ng kanilang pagsambit ng kanilang pasasalamat sa gobernador sa suporta na kanyang ibinibigay sa sektor ng edukasyon. Pinuri naman ng gobernador ang mga guro sa kanilang mahalagang tungkulin sa lipunan.
Personal ding dumalo sina San Gabriel Mayor Lany Carbonell at DepEd La Union Schools Division Superintendent Atty. Donato Balderas upang ipakita ang kanilang suporta sa hangarin ng gobernador na mapataas ang antas at kalidad ng edukasyon sa Lalawigan sa pamamagitan ng nagkakaisang #LaUnionPROBINSYAnihan.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocapor’s Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the province’s hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …