Gov. Rafy namahagi ng laptops, tablets sa halos 20 na mga guro sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Bacnotan, La Union
By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: July 20, 2022
Sa patuloy na pag-arangkada ng #LaUnionPROBINSYAnihan sa lalawigan, tuloy-tuloy ang P.U.S.O. Serbisyo ni Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David kasabay ng kanyang pamamahagi ng higit 20 na tablets sa mga guro ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Bacnotan, La Union.
Kinumusta ni Gov. Rafy ang mga guro at ibinahagi niya ang kanyang mga programa sa sektor ng edukasyon bilang isa sa kanyang mga prayoridad. Positibo naman ang pagtanggap ng mga guro sa kaniyang mga plano kasabay ng paghingi ng gobernador ng suporta mula sakanila upang makamit ang mga pangarap at hangarin tungo sa maunlad na Probinsya.
Dumalo dito ang ina ng bayan na si Mayor Divine Fontanilla kasama si DepEd La Union Schools Division Superintendent Atty. Donato Balderas.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …
Following the acceptance of the Province of La Union of the first batch of Moderna Vaccine comprised of 100 vials …