Gov. Pacoy Pinasalamatan ang mga Frontliners, Health Workers
By: Justin Paul D. Marbella, PIO | Photo By: Wendell Tangalin, PIO
Sa ngalan ng buong Probinsya ng La Union, personal na ipinarating ni Gov. Pacoy ang pasasalamat sa mga frontliners at health workers sa kanyang pagiikot sa unang distrito ng probinsya noong Augusto 12, 2020.
Binisita ng gobernador ang checkpoint sa boundary ng bayan ng Sudipen at ang mga District Hospitals sa mga bayan ng Balaoan at Bacnotan.
Ang bawat isa sa kanila ay nagbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa pagsugpo ng COVID-19 simula pa nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Inanyayahan ni Gov. Pacoy ang bawat isa na magdasal para sa patuloy na pagkakaisa ng lahat ng Kaprobinsiaan upang magapi ang COVID-19. Siniguro din ng gobernador na buo ang kanyang suporta kasama ng buong Provincial Government of La Union para sa kanila.
Mahalaga para kay Gov. Pacoy ang masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga health workers at frontliners at upang mangyari ito, pinapahalagahan niya ang pagbisita sa kanila. Matatandaang kabilang ang mga frontliners sa mga naunang binisita ng gobernador noong naguumpisa ang pandemya upang mabigyan sila ng mga personal protective equipment at hygiene kits.
Susunod na bibisitahin ng gobernador and mga ospital at boundary checkpoints sa pangalawang distrito ng La Union.
Upang ipakita ang suporta sa mga frontliner at health worker at para hindi sila panghihinaan ng loob sa labang ito, ang bawat isa sa atin ay dapat gampanan ang tungkulin sa pagsunod sa Minimum Health Standards at pagdarasal para sa buong probinsya. Sa paraang ito makakamit natin ang #StrongerLaUnion.
Recent Posts
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …