๐——๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†

By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: PIO | Date: October 20, 2021


Dagsa ang tulong na natatanggap ng mga Kaprobinsiaang lubhang naapektuhan ng Tropical Storm #MaringPH mula sa ibaโ€™t-ibang organisasyon, ahensya ng gobyerno at mga volunteers mula ibat-ibang bahagi ng bansa.

Tinawag na โ€œPanagkaykaysa Para iti La Unionโ€™, layon ng nasabing donation drive na katukin ang bawat puso upang magbahagi ng kanilang makakaya para sa mga nasalanta ng bagyo at baha.

As of October 20, 2021, halos 6 milyong halaga ng in-kind donations na ang natanggap ng Provincial Government of La Union (PGLU) mula sa ibaโ€™t-ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon at mga indibidwal.

Ang mga donasyon na natanggap ay naglalaman ng food and beverages, mga gamot, disinfectants, hygiene kits, personal protective equipments.

Ang mga donasyon ay ipapamahagi sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyo.

Bagamat naideklara ang state of calamity sa probinsya ng La Union, tinitiyak ni Gov. Pacoy Ortega ang pagpapaigting ng recovery efforts para sa mga Kaprobinsiaan. Gayundin naglaan ng kaukulang pondo ang PGLU para sa mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng kabuhayan.

Samantala, tinatanggap pa rin ang mga donasyon sa Pasalubong Center sa lungsod ng San Fernando, mula 8AM-5PM, Lunes-Biyernes, para sa mga nagnanais magbigay ng tulong.

Matindi ang naging pinsala ng bagyong #MaringPH sa ating probinsya, hindi nito nawasak ang bayanihang mayroon sa bawat sa Kaprobinsiaan.

Ang pagtutulungan, pagkakaisa at pagmamalasakit ang dahil kung bakit patuloy tayong #StrongerLaUnion. Ito ang nagpapatunay na anumang bagyo ang dumating, sa lahat ng panahon #WeAreLaUnion, at dahil tayo ay magkakasama, makakabangon muli ang ating La Union.

Recent Posts