๐——๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐˜† ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜†๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป

By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Date: July 21, 2021


Patuloy na nagsasagawa ng Demand Strategy Training of the Trainers ang Advocacy Demand Generation and Social Group Mobilization (ADGSM) group, CoViD-19 Vaccination Program Task Force (CVP-TF) ng Provincial Government of La Union (PGLU), upang sanayin ang mga Demand Generation Officerโ€™s sa paggamit ng communication tools, upang mahikayat ang mga Kaprobinsiaan na magpabakuna kontra sa CoViD-19.

Muling tumungo ang ADGSM sa bayan ng Rosario, La Union, noong ika-21 ng Hulyo, 2021, upang matugunan ang ibang mga isyu ng mga Kaprobinsiaan tungkol sa pagbabakuna. Dinaluhan ito ng mga demand generations officers mula sa bayan ng Pugo, Rosario at Tubao. Ang mga demand generation officers ng bawat bayan ang siyang magsisilbing key partners ng PGLU sa paghahatid ng tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa CoViD-19.

Gayundin, hinikayat ang mga demand generation officers na magsagawa ng mga epektibong kampanya sa pagbabakuna. Ang pagkakaroon ng kanilang sariling inisyatiba ay malaking susi upang mahikayat ang mga priority groups na mabukanahan laban sa CoViD-19.

Patuloy na nakikipagtulungan ang PGLU sa mga component LGUs para sa mas pinaigting na CoViD-19 Vaccine Operations ng probinsya. Naniniwala ang PGLU na kapag #BakunaMuna, makakamit natin ang herd community sa probinsya at mas mabibigyang proteksyon natin ang bawat Kaprobinsiaan laban sa CoViD-19.

Recent Posts