CoViD-19 Vaccination Survey Pinaigting ng Surveillance Group

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Jefferson Lorenzo, PIO | Date: February 19, 2021


Sa patuloy na paghahanda ng Probinsya ng La Union sa pagdating ng bakuna kontra CoViD-19, nagpulong ang Provincial Government of La Union (PGLU) CoViD-19 Vaccination Task Force - Surveillance, Contingency and Risk Management Group noong Pebrero 18, 2021 sa Provincial Capitol, Siyudad ng San Fernando, La Union.

Natalakay ng grupo ang mga magiging hakbang sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin sa pagtalaga ng monitoring at evaluation process para sa vaccine safety surveillance at sa pagmonitor sa una at pangalawang dose compliance.

Patuloy parin ang pagsasagawa ng CoViD-19 Vaccination Survey kung saan inaanyayahan pa ang mas maraming kaprobinsyaan na makibahagi sa pamamagitan ng pagsagot ng survey sa napanam.launion.gov.ph/lucovacs.

Ang survey na ito ay naglalayong malaman ang mga opinyon ng publiko tungkol sa bakuna at hindi pa ito ang opisyal na pagpapalista ng mga mababakunahan.

Sa pamamagitan ng resulta ng survey, malalaman ng PGLU ang mga palagay at pangamba ng mga kaprobinsiaan tungkol sa bakuna.

 

Recent Posts