Kasunod ng direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David at sa kanyang panawagan para sa #LaUnionPROBINSYAnihan, agad na umikot ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa lahat ng component Local Government Units (LGU) sa La Union para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis upang siguruhin ang kaligtasan ng bawat kaprobinsiaan matapos ang nangyaring lindol ngayong umaga ng Hulyo 27, 2022.
