Dahil sa ating patuloy na pakikipag La Union PROBINSYAnihan, ang Provincial Government of La Union, kabilang ang lahat ng component Local Government Units, ay binigyang pagkilala ng Anti-Drug Abuse Councils (ADAC) dahil sa kanilang High Functional Ratings sa ginawang 2022 Anti-Drug Abuse Council Functionality Audit. ✨
Kinalala din ng ADAC ang mga bayan ng Bacnotan, Bagulin, Balaoan, Bauang, Burgos, Caba, Luna, San Juan, Santo Tomas, at Tubao, bilang mga 2024 Performance Awardees. ✨
Sama-sama nating puksain ang mga iligal na droga para sa mas maayos at progresibong probinsya. 💜💜💜