ππ¨ ππ’π₯πππ₯π¦ π ππππ¨ππ¨πππ¦ π‘π π¦π π§π¨π₯ππ¦π π’. Bilang paghahanda sa nalalapit na muling pagbubukas ng Probinsya ng La Union sa Turismo, nagpulong ang Planning, Advisory and Research Committee at ang Health Emergency Response, Monitoring and Evaluation, and Strategic Communications ng Provincial Core Team Against CoViD-19 noong Mayo 18, 2021 sa Diego Silang Hall, Provincial Capitol, City of San Fernando, La Union upang talakayin ang mga alituntuning ipapatupad sa muling pagtanggap ng mga turista sa probinsya. Ang tourism guidelines ay nakapaloob sa Executive Order No. 27 na pinirmahan ni Gov. Pacoy kahapon, Mayo 20, 2021.
Ang hakbang na ito ay tungo sa muling pagbangon ng ekonomiya ng La Union mula sa mga epekto ng pandemya. Bagamat magbubukas na ang probinsya sa turismo, patuloy parin ang pagpapaalala ng Provincial Government of La Union sa pagsunod sa minimum health standards.