AKSYON AGAD PARA SA LIGTAS NA DAAN
By: PIO | Photos By: Facebook Poster and Provincial Engineering Office | Date: July 23, 2024
Sa direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, agad na nagpadala ng clearing team ang Provincial Engineering Office sa Aringay, La Union ngayong araw, Hulyo 23, 2024 upang makipagtulungan sa Municipality of Aringay, La Union na magsagawa ng road clearing operations at malinisan ang mudslides sa Aringay-Tubao Road bunsod ng malakas na pag-ulan. Kabilang rin sa naideploy ang mga makinaryang kinanabilangan ng wheel loader at dump truck.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan sa loob ng tahanan at ireport sa emergency hotline na 911 ang anumang emergency.
Related Photos: