Lab For All Caravan ginanap sa La Union; KaPROBINSYAnihan, labis ang Pasalamat kay PBBM, Unang Ginang Marcos

By: Geraldine Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: February 1-4, 2024


Labis na tuwa at hindi matatawarang pasasalamat ang nais ipaabot ng nasa 6,000 na mga kaPROBINSYAnihan kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Unang Ginang Louise "Liza" Araneta-Marcos matapos silang makatanggap ng libreng serbisyo medikal sa isinagawang “Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat” sa Probinsya ng La Union.

Ang Lab For All ay isang community based healthcare project na nabuo sa inisyatiba ni Unang Ginang Marcos bilang pagsuporta sa patuloy na pagkilala ng kasalukuyang pamahalaan sa kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa karapatang pangkalusugan ng bawat Pilipino.

Sa La Union, una nang ginanap ang Lab For All noong February 1-4, 2024 sa mga bayan ng Bauang, Santo Tomas, Balaoan, at Bacnotan kung saan nasa 2,969 na mga kaPROBINSYAnihan ang nabigyan ng serbisyo.

Hatid ng Lab For All sa mga taga La Union ang mga libreng serbisyong medical gaya ng pisikal at medikal na eksaminasyon at konsultasyon, laboratory procedures tulad ng blood chemistry at hematology, ECG at digital X-ray, at libreng gamot at ilang assistive devices.

Upang mas maipaabot sa mas maraming mga kaPROBINSYAnihan ang nasabing serbisyo, ginanap naman ang Lab For All Grand Medical Mission nitong February 6, 2024 sa La Union Convention Center sa San Fernando City, La Union.

Mahigit 3,000 na mga KaPROBINSYAnihan rin ang pumunta at personal na naka daupang palad ang Unang Ginang.

Ipinabot naman ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David ang kanyang pasasamalat sa Pangulo at Unang Ginang Marcos sa pagdala ng Lab for All sa La Union. Ipinahayag din ni Gov. Rafy ang patuloy na pagsuporta ng probinsya sa panawagang pagkakaisa ng kasalukuyang administrasyon.

“Makakaasa po kayo na dito sa La Union, we take pride in our Ilocano Identity, and we will continue to be aligned with the call of the National Government for Unity. This is why we also have our localized version of unity and coming together for the greater good which we call La Union PROBINSYAnihan - our bayanihan in our province na siya rin pong ambag namin sa unity nationwide,” mensahe ni Gov. Rafy.

Bilang pagsuporta sa karapatang pangkalusugan ng bawat mamamayan, ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ay patuloy na makikipag La Union PROBINSYANihan upang maibigay ang pangunahing pangangailangan medikal ng mga kaPROBINSYAnihan na siya ring mithiin ni Gov. Rafy para sa lahat.

Related Photos: