๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ณ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ, ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ณ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฒ๐—บ ๐—ถ๐˜๐—ถ ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ-๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป

By: Sangguniang Panlalawigan | Photos By: SP | Date: September 30, 2022


โ€œOne Smile at a Time.โ€ Bukas na para sa kaprobinsiaan dito sa La Union ang libreng operasyon sa cleft lip at palate matapos mailunsad ang Isem iti Namnama program. Ito ay naglalayong makatulong sa mga mayroong bingot na mabigyan ng panibagong ngiti at pag-asa.

Sa patuloy na pagpapalista, may apat na kaprobinsiaan na ang nakahanay para sa laboratory test at pediatric clearance, tatlo para sa screening at isa na ang matagumpay na naoperahan.

Bukas ang programang ito sa lahat ng kaprobinsiaan at walang anumang documentary requirement na kailangang ipakita. Libre at walang gagastusin ang mga pasyenteng magpaparegister na may bingot mula sa screening hanggang sa matapos ang operasyon.

Hayag naman ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David sa kanyang mensahe, "I look forward for more indigent kaprobinsiaan, most especially the children, to be able to share their sweetest smiles...may God reward all of you for all your efforts to bring change in the world, one smile at a time.โ€

"Let us put our hearts together for this project called Isem iti Namnama which mirrors our untiring service to bring relief to our kaprobinsiaan with cleft lip and cleft palate most especially to the indigents and children. What we do is not only giving free screenings and surgeries but we are giving a brighter future with the sweetest smiles," pahayag ni Bokal Ostrea.

Sa mensahe ni Jessie Lodia, ina ng unang pasyenteng naoperahan, inihayag niya ang taos- pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng programa, "Kami po ay napakasaya nung malaman namin na may libreng surgery para sa mga kagaya ng aking anak. Nagkaroon kami ng bagong pag-asa, lalo na sa kagaya naming mahihirap. Dahil sa programang ito, magkakaroon na din ng napakatamis na ngiti ang aking anak na siyang pangarap ng bawat magulang."

Ang nasabing programa ng Smile Train Philippines, Lorma Medical Center at Smile Train Accredited Doctors kung saan kabilang si Dr. Mario T. Bautista, Medical Director ng Lorma Medical Center; Plastic and Reconstructive Surgeons na sina Dr. Michael I. Versoza, Dr. Juan Carlos B. Marzan Dr. Jeffrey Michael V. Wong; Anesthesiologists na sina Dr. Nelia Rellama, Dr. Mary Ann Buccat at Dr. Robito Poligrates; at mga Pediatricians na sina Dr. Archimedes Rellama at Dr. Amalia Komiya. Ang programang ito ay naipatupad sa pakikipagtulungan kay Board Member Gerard Ostrea sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapalista sa kanyang opisina.

Inaanyayahan ang mga kaprobinsiaan na mayroon o may kakilalang may cleft lip at cleft palate na magregister para sa screening sa link na bit.ly/isemitinamnama. Maaari ring magmessage sa page na www.facebook.com/ostreabokal o magtext o tumawag sa numerong 0908-867-8327 para sa karagdagang impormasyon.

Related Photos:

Recent Posts