Hukom ng mga Municipal Trial Court sa La Union nag-courtesy call kay Gov. Rafy

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: July 14, 2022


Pinaunlakan ni Gov. Rafy ang mga hukom ng mga Municipal Trial Court sa La Union sa isang courtesy call noong July 14, 2022 na ginanap sa kanyang opisina sa Provincial Capitol, City of San Fernando, La Union.

Pinasalamatan ng gobernadora ang mga hukom sa pagbibigay ng patas at makataong hustisya para sa mga kaprobinsiaan. Ipinaalam din niya na ang Provincial Government of La Union ay bukas sa pakikipagtulungan sakanila upang maipaabot sa mga kaprobinsiaan ang mga serbisyong legal na kanilang kinakailangan.

Pinasamalamatan naman ng mga hukom si Gov. Rafy at nangakong susuportahan ang #LaUnionPROBINSYAnihan na isinusulong ng gobernadora para sa #StrongerLaUnion.

Recent Posts