DepEd La Union, San Fernando City Schools Division nag-abot ng pagbati at suporta kay Gov. Rafy
By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: July 11, 2022
Tuloy-tuloy ang pagsulong ng edukasyon para sa mga kabataan sa La Union. Ito ang naging bahagi ng usapan ni Gov. Rafy at ng mga kawani ng DepEd La Union Schools Division at San Fernando City Schools Division sa naganap na courtesy call nila sa bagong gobernador kahapon, July 11, 2022 sa kanyang opisina sa Provincial Capitol, City of San Fernando, La Union.
Matapos nilang ipa-abot ang kanilang pagbati at supporta kay Gov. Rafy, napag-usapan ang mga naging karanasan ng mga guro at estudyante sa kasalukuyang pandemya. Pinuri naman ni Gov. Rafy ang ipinakitang katatagan at dedikasyon ng mga guro sa kabila ng lahat ng pagsubok at sakripisyong naranasan kapalit ang magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Malapit sa puso ng bagong gobernador ang mga kabataan at batid niya ang kahalagahan ng edukasyon, kaya makakaasa ang DepEd sa patuloy na pagsuporta ng Provincial Government of La Union sa mga proyekto na naglalayong mapabuti at mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa La Union.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocapor’s Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the province’s hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …