π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘ π—œπ—¦π—¨π—¦π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—”π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—™π—œπ—˜π—— 𝗦𝗧𝗔𝗑𝗗𝗔π—₯𝗗 π—™π—œπ—₯𝗦𝗧 π—”π—œπ——, π—•π—”π—¦π—œπ—– π—Ÿπ—œπ—™π—˜ 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗒π—₯𝗧 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› 𝗖𝗔π—₯π—˜ 𝗣π—₯π—’π—©π—œπ——π—˜π—₯'𝗦 π—‘π—˜π—§π—ͺ𝗒π—₯π—ž

By: Paulette Navarro, GPC-PDRRMO | Photos By: Sheheradaze Macusi of PHO | Date: May 06, 2022


Upang mas mapagtibay pa ang ugnayan ng bawat myembro ng Health Care Provider's Network sa lalawigan sa aspeto ng Training and Capacity Building, inilunsad ang isang Unified Meeting and Leveling-off of Basic Life Support/Standard First Aid Session na naganap sa Renaissance Hall ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), Parian, City of San Fernando, La Union nitong May 06, 2022.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Provincial Government of La Union, partikular sa mga tanggapan ng Provincial Health Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang ang La Union Medical Center at mga District Hospitals ng lalawigan. Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng ITRMC at ng Department of Health Center for Health-1.

Layunin ng nasabing pagpupulong ay ang pagkakaroon ng Harmonized Standard First Aid and Basic Life Support Training na ibinababa sa mga training recipients; matugunan ang demand sa bilang ng mga trainers sa bawat training requests mula sa mga LGUs, ospital at iba pang ahensya; mapalawig pa ang paghasa ng mga health care providers, at mga community first responders sa kasanayan ng First Aid at Basic Life Support at iba pang kasanayan tulad ng Health Emergency Response Operation; at Pagkaroon ng Harmonized Emergency Operation Centers sa prespektibong pangkalusugan.

Nilalayun din ng ang pagkakaroon ng mga Memorandum of Understanding ukol sa nasabing adhikain upang mas mapagtibay pa ang ugnayan ng bawat training providers sa lalawigan upang makamit ang Community Resilience ng mga Kaprobinsiaan.

Recent Posts