π—–π—’π— π— π—¨π—‘π—œπ—§π—¬-π—•π—”π—¦π—˜π—— π——π—œπ—¦π—”π—¦π—§π—˜π—₯ 𝗣π—₯π—˜π—£π—”π—₯π—˜π——π—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘π—š π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗨π—₯π—šπ—’π—¦, π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘

By: John Elysar Martin at Shairalene Guerrero, PIO | Photos By: Shairalene Guerrero at Jefferson Lorenzo, PIO | Date: April 1, 2022


Bilang paghahanda sa mga panahon ng kalamidad at sakuna, pinangunahan ng Provincial Government of La Union (PGLU) sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsasagawa ng limang araw na Disaster Preparedness Training sa mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at ilang Barangay Officials at Barangay Patrol sa Bayan ng Burgos, La Union na nagtapos noong Abril 1, 2022. Isa sa mga natural hazards na nararanasan sa nasabing bayan tuwing may bagyo ay ang landslide.

Katuwang ang Local Government Unit ng Burgos, kabilang sa mga tinalakay at ibinahagi sa limang araw na training ay patungkol sa First Aid Basic Life Support, Disaster Management, High Angle Search and Rescue, at Stretcher/Basket operation. Upang maranasan ang aktwal na aplikasyon ng mga natutunan ay nagkaroon ng actual drill scenario sa huling araw ng training. Mayroong 22 na vounteers ang nakakumpleto ng nasabing pagsasanay.

Layunin ng naturang aktibidad na ituro at mapaigting ang tamang pagresponde sa mga kalamidad at aksidente sa kalsada ng mga volunteers sa komunidad. " Ginawa ito para ang bawat barangay ay magkaroon ng kaalaman at maging handang tumulong kapag mayroong mga kalamidad at posibleng mangyaring aksidente na kinakailangan ng agarang responde," ayon kay Jay Gurion, Training Officer l LDRRM Assistant.

Tinitiyak at pinapahalagahan naman ng PGLU na ang mga ganitong klase ng aktibidad upang mas mapatibay ang kaalaman at kahandaan ng komunidad sa mga hamon ng kalikasan na nagiging patunay ng ating pagkamit sa #StrongerLaUnion. Umaasa ang PGLU na sa pagsasagawa ng mga ganitong aktbidad, mas dadami pa ang #AlertoKaprobinsiaan na makakatulong sa pagsagip ng mga buhay ng mga mamamayan sa anumang oras ng trahedya o sakuna.

Ipinaabot naman ni Burgos Mayor Robert B. Madarang, Jr. ang pasasalamat kay Gov. Francisco Emmanuel "Pacoy" R. Ortega III at sa PDRRMO sa pagsasagawa ng nasabing training. "Through the completion of this activity, we have done something good for the sake of the well-being of our people and those who will visit our town," dagdag ng Alkalde.

Recent Posts