𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗮𝘆: 𝗣𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟳𝟮 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗕𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴-𝗱𝗶𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴
By: Shairalene Guerrero at John Elysar Martin, PIO | Photos By: PIO, LGUs | Date: March 2, 2022
Maalab ang pagsalubong sa ika-172 Anibersaryo ng Probinsya ng La Union noong Marso 2, 2022 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol Grounds, City of San Fernando, La Union kung saan binigyang-diin ang pag-ibig sa temang "La Union La Unay: Naggapu iti Ayat, Gapu iti Ayat."
Nagkaroon ng Parade of Colors at raising of flags na pinangunahan ni Gov. Francisco Emmanuel “Pacoy” R. Ortega III at ng mga Provincial Officials, Provincial Government of La Union Department Heads, Philippine National Police Marching Band at ng Security Services Unit.
Sabay-sabay namang itinaas ang mga local government unit (LGU) official seal banners na kumakatawan sa 19 na munisipalidad, isang syudad at probinsya habang kinakanta ang La Union Hymn kasunod ang pagpapalipad ng mga kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa sa probinsya.
Sa naging talumpati ni Gov. Pacoy, binigyang diin niya na ang lahat ng ipinagdiriwang sa kasalukuyan ay nagmula sa pag-ibig na nabuo sa mahabang panahon. Ang mga ito ay may malaking bahagi sa hinaharap, "Today, as we embark into a new chapter of history, we are reassured that we are always ready to face the future...It is our duty to secure a bright tomorrow that is why we are very much dedicated to seizing opportunities in building a Stronger La Union that sits us up further into a secure, self-sufficient and sustainable province."
Naging makabuluhan din ang pagtatanim ng mga Bougainvillea sa Pagoda Park bilang simbolo ng pagkakakilanlan at kagandahan ng probinsya. Ang bougainvillea ay kinikilalang Provincial Flower sa bisa ng Provincial Ordinance No. 055-2014.
Kasabay ng pagdiriwang sa Provincial Capitol ay ang pagsasagawa rin ng flag raising ceremony sa mga component LGUs bilang pakikiisa sa pagdiriwang.
Sa pagdiriwang na ito ay mas napatunayan ang nananaig na pagmamahal at pagkakaisa ng Pamilyang La Union a naggapu iti ayat, gapu iti ayat! Dahil sa lahat ng panahon, datayo ket #LaUnionLaUnay!
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …
Following the acceptance of the Province of La Union of the first batch of Moderna Vaccine comprised of 100 vials …