𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦; 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟵𝟮𝟳 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦
By: Shairalene B. Guerrero, PIO | Photos By: Camille Bumatay & Sonny Buenaventura, PIO | Date: October 12, 2021
Taos-puso ang pasasalamat sa ating rescue, patrol and relief teams na walang humpay ang sakripisyo at pagtutulungan sa gitna ng pananalasa ng Severe Tropical Storm #MaringPH.
Simula kagabi, nasa 927 na pamilya na ang narescue at nadala sa evacuation center at 5,763 foodpacks ang patuloy na pinapadala sa ating mga munispyo.
Alinsunod sa direktiba ni Gov Pacoy Ortega, patuloy rin ang pagsasagawa ng assessment and monitoring, response interventions at contingency planning ng iba’t-ibang opisina ng PGLU para masiguro na naagapan ang mga pangangailangan sa iba’t-ibang sektor at makapaghanda para sa rehabilitation efforts.
Base sa latest report ng PAG-ASA, kasalukuyan paring nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa probinsya ng La Union at inaasahang makakaalis na ang bagyo ngayong araw.
Pinapayuhan ang bawat Kaprobinsiaan na maging maingat pa rin at maging alerto, lalong-lalo na ang mga mamamayang naninirahan sa tabing-ilog, tabing-bundok at sa mga coastal areas ng probinsya.
Hindi tumitigil ang PGLU sa pag-abot ng tulong sa gitna ng bagyo habang patuloy parin na nilalabanan ang banta ng CoViD-19. Hinihiling po namin ang patuloy na pakikipagtulungan dahil tayo ay mas malakas dahil magkasama tayo!
We are a #StrongerLaUnion, stronger than #MaringPH.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU), under the leadership of Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, through the Provincial Government-Environment …
The Provincial Government of La Union (PGLU), through the Provincial Health Office (PHO), honored the vital contributions of barangay health …
A historic event will unfold within the hallowed grounds of The Minor Basilica and Diocesan Shrine of Our Lady of …
In a joint effort to boost emergency preparedness among healthcare personnel, the Naguilian District Hospital (NDH) successfully conducted a four-day …
Following the acceptance of the Province of La Union of the first batch of Moderna Vaccine comprised of 100 vials …