π——π—˜π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—ͺπ—œπ—§π—› π—§π—›π—˜ π—”π—™π—§π—˜π—₯𝗠𝗔𝗧𝗛: π—₯π—˜π—Ÿπ—œπ—˜π—™, π—–π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—œπ—‘π—š π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—” π—¨π—‘π—œπ—’π—‘ π—‘π—”π—šπ—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: PEO and GSO | Date: October 13, 2021


Tumila ang ulan ngunit tuluy-tuloy ang pagtutulungan. Ngayong nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm #MaringPH, clearing and relief operations naman ang pinagtuunan ng pansin ng Provincial Government of La Union alinsunod sa direktiba ni Gov. Francisco Emmanuel "Pacoy" R. Ortega III.

Ang Provincial Engineering Office ay nagsagawa ng clearing activities sa mga daanan, tulay, at pasilidad sa Bacnotan at San Juan.

Walang humpay naman ang repacking at relief distribution ng Provincial General Services Office. Nagpamahagi ng 1,500 relief packs sa Luna; 1,000 sa Tubao; 1,000 sa Bauang; at 1,000 sa Naguilian. Para sa mga labis na nasalanta ng bagyo, binigyan ng tig-300 na foodpacks at 300 bottled water ang mga Munisipalidad ng Bangar at Luna. Patuloy parin ang pagbibigay ng food packs sa iba pang mga bayan.

Sa kasalukuyan ay wala nang Tropical Storm Signal sa probinsya. Bukas naman ang La Union Agri-Tourism Center mula 8:00AM hanggang 5:00PM para sa monetary at in-kind donations para sa mga nasalanta.

Sa ating pagkakaisa, tayo ay mas malakas at mas matatag. We are the united, we are #StrongerLaUnion.

Recent Posts