PGLU Nakapagpaabot ng Food Packs sa mga Apektado ng Granular Lockdowns

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Jefferson Lorenzo, PIO | Date: October 2021


Sa utos ni Gov Pacoy Ortega, agad na nagpaabot ang Provincial Government of La Union (PGLU) ng tulong na sa mga bayan na nagdeklara ng granular lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng CoViD-19 sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs para sa mga pamilyang apektado.

Nakapagpaabot ang PGLU ng 100 food packs sa Bayan ng Santol, 189 food packs sa Bayan ng San Juan at 5,000 food packs sa Siyudad ng San Fernando.

Sa kasalukuyan, ang San Fernando, Agoo, Balaoan, Bauang, Sudipen at San Gabriel ay sumasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine samantalang ang Aringay, Bacnotan, Bagulin, Bangar, Burgos, Caba, Luna, Pugo, San Juan at Santo Tomas ay sumasailalim sa General Community Quarantine hanggang October 14, 2021. Ang Naguilian, Rosario, Santol at Tubao ay sumasailalim naman sa Modified General Community Quarantine.

Maliban sa deklarasyon ng probinsya ng klasipikasyon ng bawat component Local Government Units (LGUs), ang bawat LGU ay pinapayagang magdeklara ng granular lockdowns sa kani-kanilang nasasakupan upang makontrol ang pagkalat ng virus.

Patuloy ang pakikipagugnayan ng PGLU sa lahat ng mga component LGUs nito upang matugunan ang mga augmentation requirements ng mga ito.

Recent Posts