Pagbabakuna Kontra CoViD-19 sa La Union Papaigtingin, Papabilisin pa

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Sonny Buenaventura, PIO | Date: April 12, 2021


Kasunod ng direktiba ni Gob. Francisco Emmanuel “Pacoy” R. Ortega III na mas pabilisin at paigtingin pa ang pagbabakuna kontra CoViD-19 sa probinsya upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng CoViD-19, dalawa pang augmentation vaccination teams ang handa nang maideploy ng Provincial Government of La Union (PGLU) bukas, Abril 14, 2021 upang tumulong sa #BakunaMuna Vaccination Program sa mga Rural Health Units (RHUs) ng La Union.

“Kung mabakunahan ka, ang magiging advantage ay hindi ka maapektohan ng severe case na malaking bagay especially for the health care workers…I want the vaccination program moving,” sabi ni Gov. Pacoy.

Ang dalawang grupo ay mayroon paring anim na miyembro kasama ang dalawang vaccination nurses, isang screening at assessment officer, isang health educator, at dalawang data managers.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga bagong miyembro ng vaccination team, sila ay nakatanggap ng unang dose ng Sinovac Vaccine noong Abril 12, 2021. Sa parehong araw ay sumailalaim din sila sa orientation program upang kanilang malaman ang kanilang gagampanang tungkulin at ang halaga nito.

Maaalalang nauna nang naideploy ang unang PGLU vaccination team noong Abril 5, 2021 at kasalukuyan nang tumutulong sa pagbabakuna sa iba’t ibang RHUs.

Sa tala ng Abril 12, 2021, mayroong 1,952 na active cases sa probinsya na patuloy na pinapababa sa pamamagitan ng istratehiyang Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.

Patuloy na ipinapaalala ng PGLU ang patuloy na pagsunod sa Minimum Health Standards at pananatili sa loob ng tahanan upang maiwasang madapuan ng virus.

Recent Posts