Gov. Rafy Siniguro ang Kaligtasan ng KaPROBINSYAnihan sa Hagupit ni #PepitoPH; Mabilis na Tulong Naipaabot
By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: November 18, 2024
Agarang pinangunahan ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David ang pagbisita at pagkamusta sa kalagayan ng mga evacuees sa iba't ibang bahagi ng probinsya sa buong magdamag sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong #PepitoPH sa probinsya.
Direkta ring naipaabot ang 553 na family food packs sa mga lumikas. Ito ay mula sa augmentation ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa pangunguna ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan bilang tugon sa hiningi ni Gov. Rafy na augmentation.
Napabilis ang distribusyon ng family food packs ni Gov. Rafy at ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ay napabilis sa tulong ng La Union Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Heryl Bruno.
Kabilang sa mga naunang nakatanggap ng tulong ang mga evacuees ng mga Munisipalidad ng Bangar, Balaoan, Bacnotan, at Bauang. Samantalang siniguro naman ni Gov. Rafy na tuloy ang pag-ikot ng team para mabigyan rin ng family food packs ang iba pang lumikas.
Sa patuloy na pagkilos ng bagyo palabas ng Philippine Area of Responsibility, nakataas na lamang sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang La Union.
Idineklara ni Gov. Rafy and suspensiyon ng pasok sa mga paaralan at trabaho sa mga ahensiya ng Gobyerno ngayong araw, Nobyembre 18, 2024 para sa mabilis na recovery ng mga naapektohan ng bagyo. Pinapayuhan pa rin ang lahat na patuloy na manatiling #AlertoKaPROBINSYAnihan.
Related Photos: