Nasa 100 KaPROBINSYAnihan-Commuters Ligtas na Nakauwi Sa Kasagsagan ng #CarinaPH, PGLU Nagsagawa ng Libreng Sakay

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: PIO | Date: July 24, 2024


Safe na nakauwi noong July 24, 2024, ang humigit kumulang 100 na mga KaPROBINSYAnihan-commuters na inabutan ng malakas na ulan sa tulong ng libreng sakay ng Provincial Government of La Union.

Sa direktiba ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, nagsagawa ng libreng sakay ang General Services Office ng PGLU gamit ang mga La Union PROBINSYAnihan bus sa rutang San Fernando City - Sudipen at San Fernando City - Rosario vice versa.

Marami sa mga nastranded na commuters ay mga empleyado kaya laking pasasalamat nilang may libreng sakay ang PGLU sa panahon ng bagyo.

Makakaasa ang ating mga kaPROBINSYAnihan na patuloy lamang si Gov. Rafy at ang PGLU sa pagbibigay ng tulong na kinakailangan ngayong kasagsagan ng STY Carina.

Related Photos: