Ingat, KaPROBINSYAnihan!
#ALERTOKaPROBINSYAnihan: Inaasahan ang 41°C heat index dito sa ating probinsya ngayon araw, April 8, 2025, 1:00 PM. Ayon sa ulat ng PAGASA DMMMSU-Bacnotan Agromet Station, ito ay may effect-base classification na EXTREME CAUTION kung saan maaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ‘pag tuloy-tuloy na nakababad sa init. Posible rin ang pagkakaroon ng heat stroke.
Pinapayuhan ang lahat na magdala ng panangga sa araw at uminom ng maraming tubig upang maibsan ang init ng panahon. Alamin kung ano ang heat index at kung paano ito maiiwasan dito: bit.ly/Alamin_Heat_Index
Stay hydrated, KaPROBINSYAnihan!
