𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢. Dinagsa ang ginanap na Grand Kapuso Day sa Poro Point Baywalk, City of San Fernando, La Union, noong Sabado, ika-11 ng Marso 2023. Nakisaya at nakisama ang mga kaprobinsiaan sa inihandog ng Provincial Government of La Union na programa upang makita ang GMA artists na sina Dennis Trillio, Jessica Villarubin, Althea Ablan, Klea Pineda, Savior Ramos, Allen Ansay, at Sofia Pablo at Vaness Del Moral. Makikita ang saya at kilig sa mga mata ng bawat isa habang umaawit, kumakaway, at ngumingiti ang mga inimbitahang artista. Alinsunod ang programang ito sa P.U.S.O. Agenda ng administrasyon ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David.
