๐—จ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฃ๐˜€; ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐—š๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—œ๐—–๐—–๐˜€/๐—œ๐—ฃ๐˜€

By: Camille R. Bumatay, PIO | Photos By: Jefferson Lorenzo & Sonny Buenaventura, PIO | Date: July 13, 2022


Bilang isa sa mga pangunahing prayoridad ni Gov. Raphaelle Veronica "Rafy" Ortega-David, ang Orderly, Sustainable and Resilient Component LGUs and Barangays ay bahagi ng kanyang P.U.S.O. Agenda para maihanda ang bawat kaprobinsiaan mula sa sakuna.

Nakibahagi ang 41 na miyembro ng Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa Pugo, La Union sa inilunsad na Disaster Resilience Caravan ngayong araw July 13, 2022 sa Upland Training Center, Pugo, La Union bilang pagobserba sa National Disaster Resilience Month.

Target ng caravan na maturuan sa iba't ibang impormasyon sa Disaster at Emergency Awareness at Hands-only CPR ang sumatotal na 350 na miyembro ng ICCs/IPs mula sa pitong lugar sa probinsya. Ang Caravan ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Provincial Health Office (PHO), sa tulong ng Department of Health - Center for Health and Development 1 (DOH-CHD1) at ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).

Sa mensahe ni Gov. Rafy, ipinahayag niya ang paghanga sa mga nakibahagi sa caravan na handang makipagkaisa sa kahandaan ng komunidad, "Itong training po ninyo, napakalapit po sa aking puso... I used to be a rescue volunteer sa PDRRMO. I also am an active lifeguard sa San Fernando...I look up to our rescue volunteers dahil walang pinipiling oras ang sakuna, walang pinipiling lugar."

Ipinaabot naman ni Pugo Municipal Mayor Kurt Walter Martin ang pasasalamat kay Gov. Rafy at sa mga bumubuo ng programa sa pagprayoridad sa ICCs/IPs ng Pugo bilang unang benepisyaryo ng Disaster Resilience Caravan, "To PGLU, thank you for including us in your program...for our participants, I hope that you will learn proper knowledge and training so that our shared responsibility to promote emergency and disaster resilience shall be strengthened."

Nakibahagi rin sa unang araw ng Caravan sina Sangguniang Panlalawigan Chairperson on Committee on Disaster Preparedness Gerard Ostrea; Development Management Officer III Florentino Lopez, Jr. ng DOH-CHD1; Nurse III/ Assistant ITRMC DRRM-H Manager Ferdinand Balagot ng DOH-CHD1; Medical Officer III Evangeline Calica ng ITRMC; Provincial Health Officer I Dan William Dacanay ng PHO; at Indigenous People Mandatory Representative Hon. Victor Lales, Sr.

Sa tulong ng mga programa para sa paghahanda sa sakuna, mas mapaparami pa ang community responders sa probinsya para sa mas maraming #AlertoKaprobinsiaan sa nagkakaisang La Union #PROBINSYAnihan.

Recent Posts