๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น

By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Provincial Information Office | Date: June 28, 2022


Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng bayan ng San Juan, La Union noong ika-28 ng Hunyo 2022. Ginanap ang nasabing panunumpa sa San Juan Gymnasium na sinaksihan ng ilang Provincial Officials, San Juan municipal officers, at mga kaprobinsiaan.

Pinangunahan ni La Union Governor Francisco Emmanuel โ€œPacoyโ€ R. Ortega III ang panunumpa sa tungulin ng mga opisyales kabilang sina Arturo P. Valdez bilang Alkalde at Manuel Victor R. Ortega, Jr. bilang Bise Alkalde. Kasabay ring nanumpa ang bilang mga konsehal sina Mariquita Ortega, Athena Nang, Arnel Peralta, Louie Fontanilla, Milano Magsaysay, Dionisio Velasco, Eusebio Lim III at Norma Lim.

Nasa nasabing pagtitipon din sina incoming Governor Raphaelle Veronica โ€œRafyโ€ Ortega-David at First District Congressman-elect Paolo Ortega.

Kinuha ni Gov. Pacoy ang pagkakataon upang pasalamatan ang bayan ng San Juan sa pakiki-isa sa kanyang mga adhikain sa ilalim ng kanyang termino. Dagdag pa niya, ang #StrongerLaUnion ay nagging posible dahil sa ipinakitang tiwala ng kaprobinsiaan sakanya sa loob ng anim na taon.

Samantala, sa kanyang talumpati, binati ni Incoming Governor Rafy ang mga opisyales at hiniling ang buong suporta at tiwala ng San Juan sakanya, tulad ng kanilang ipinakita kay Gov. Pacoy.

Sa panunumpa ng tungkulin ng mga opisyales ng San Juan, umaasa ang pamahalaang Panlalawigan ng La Union na patuloy na makikiisa ang bawat kaprobinsiaan patungo sa #StrongerLaUnion kung saan ang lahat ay magkakasamaโ€™t nagkakaisa.

Recent Posts