๐ฃ๐๐ข ๐๐ฎ ๐จ๐ป๐ถ๐ผ๐ป, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด-๐๐น๐ฎ๐ป; ๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด
By: John Elysar Martin, PIO | Photos By: Provincial Health Office | Date: May 31, 2022
Matapos ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa, mahigpit na pinag-iingat ng Provincial Health Office (PHO) ang mga residente sa La Union laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan.
Sa naging panayam kay Dr. Dan William Dacanay II, Provincial Health Officer 1, sa programang Baro a Timek iti Kapitolio Radio Program, sinabi nito na ang mga karaniwang sakit na kanilang binabantayan ngayong tag-ulan ay kinabibilangan ng Dengue, Leptospirosis, trangkaso, at mga water-borne diseases.
Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon, nakapagtala lamang ng 37 kaso ng dengue ang lalawigan. Mas mababa ito kumpara sa datos na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong mga buwan kung saan ay umabot pa ito ng 537 na kaso. Bagamat mas mababa ang kaso ngayon, patuloy naman na pinag-iingat ang publiko sa banta nito matapos makapagtala ng isang patay ngayong taon sa nasabing sakit. Apat naman ang naitalang kaso ng Leptospirosis sa lalawigan ngayong taon at isa dito ang namatay.
Tiniyak ng PHO na nakahanda naman ang mga district hospitals sa lalawigan na tumanggap ng mga pasyente maging ang suplay ng gamot at dugo ay nananatiling sapat.
Pinaigting naman ang isinasagawang fumigation o pagpapausok sa pangunguna ng PHO sa mga paaralan maging sa mga kabahayan bilang isang hakbang sa pag-iwas sa dengue kasabay ang kanilang pagsasagawa ng information drive sa mga bayan.
Patuloy ang pagtutok at pagtugon ng Provincial Government of La Union sa paghahatid ng mga serbisyong medikal na kailangan at makakapagpabuti sa kalusugan ng mga residente sa lalawigan.
Hinihikayat naman ang lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na hakbang upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong tag-ulan dahil sa kooperasyon at pagtutulungan ng bawat isa ay patunay ito ng pagiging isang matatag na La Union.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …