๐ฃ๐๐๐จ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐ฆ๐ถ๐บ๐๐น๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐ผ๐๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐พ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น; ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ #๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ
By: Geraldine B. Salazar-Lucero, PIO | Photos By: Jefferson Lorenzo, Sonny Buenaventura, Edmar Bacani at Mark Anthony Artienda, PIO | Date: June 9, 2022
Upang matiyak ang kahandaan ng bawat empleyado at kliyente sa naka-ambang panganib dulot ng lindol, ang Provincial Government of La Union ay nakiisa sa itinakdang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, ika-9 ng Hunio, 2022.
Ang NSED ay isang Public Awareness Campaign ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) na regular na isinasagawa minsan kada tatlong buwan upang makapagbigay sa publiko ng karampatang impormasyon at mga kasanayan ukol sa lindol at iba pang mga kalamidad na maaaring mangyari at tumama sa komunidad.
Alas-nuebe empunto ng umaga nang tumunog ang sirena ng kapitolyo, hudyat ng pagsisimula ng NSED. Aktibong ipinakita ng nasa halos 700 na empleyado at ilang kliyente ang kanilang mga kaalaman at kasanayan sa naturang drill. Mula sa pag duck, cover and hold ng isang minuto, hanggang sa paglisan sa kani-kanilang mga opisina at gusali patungo sa itinalagang evacuation area ay maayos at kalmadong naisagawa ng mga taga-kapitolyo.
Nagsilbing mga evaluators ang mga kinatawan ng OCD, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, National Economic and Development Authority at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isinagawang earthquake drill sa kapitolyo. Ayon sa kanilang validation, bagamaโt may mga mangilan-ilang kapunahan, ang PGLU ay nananatiling pasado sa major requirements na kinakailangan upang masabing sapat ang kahandaan nito sa lindol at iba pang kalamidad o insidente, bagay na ipinagmamalaki ng PGLU.
Matatandaan na noong nakaraang April 28, 2022 ay nagkaroon ng makatotohanang earthquake drill ang PGLU kung saan nauna nang ipinakita ng mga trained safety officers ang kani-kanilang mga kasanayan sa pagresponde sa mga nakulong sa gusali at mga malubhang nasugatan dulot ng lindol.
Samantala, ilang mga kinatawan naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang nagsilibing evaluators ng mga Regional Line Agencies na nakibahagi sa Second Quarter NSED. Ang mga opisinang ito ay kinabibilangan ng DILG, DPWH, NEDA at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Lubos na pinapahalagahan ng PGLU ang kaligtasan ng mga residente ng Probinsia gayundin ang paghihikayat sa bawat isa na maging #AlertoKaprobinsiaan dahil #BidaAngHanda.
Recent Posts
The Provincial Government of La Union (PGLU) has completed and turned over three major school infrastructure projects in three municipalities …
The Provincial Government of La Union (PGLU), in partnership with the Department of Agriculture (DA-RFO1), concluded the Provincial Rice Technology …
Rocaporโs Farm is an agri-tourism site in La Union that has a learning institution and uplifts the local community.
In line with the provinceโs hosting of the 2025 Region 1 Athletic Association (R1AA), the Provincial Government of La Union …
Residents from the Second District of La Union benefitted from the recently concluded Ako Bicol Partylist Medical and Dental Mission …