๐—ฃ๐—š๐—Ÿ๐—จ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

By: Camille R. Bumatay, PIO


Sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 148-2021 (bit.ly/RESOLUTION-148-2021), pinapaalalahanan ng Provincial Government of La Union ang publiko lalo na ang mga business establishments laban sa mga mga panlilinlang na gawain o scam na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal o opisina ng gobyerno.

Ang resolusyon ay ipinasa kasunod ng mga ulat ng paggamit ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno sa pag-order online o sa pamamagitan ng text o tawag nang walang pahintulot ng sinasabing nag-order na indibidwal.

Upang maprotektahan ang interes ng mga konsyumer at establishment owners, ipinasa ang nasabing resolusyon habang pinapayuhan din ang mga may-ari ng negosyo na beripikahin muna ang transaksyon upang maiwasan ang mabiktima ng mga scammers.

Kung mayroong nasaksihang gumagawa ng panloloko ay maaaring ireport sa pinakamalapit na awtoridad dahil ang mga gumagawa nito ay maaaring maparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 8792 o Electronic Commerce Act of 2000.

Recent Posts